Manikurista - Kwentong Chika

D1: Ahahay Madamme, Welcome, Enter the dragon.
Liz: Uhm, pagpapa manicure/ pedicure ako...
D2: Dito ka na Madamme, pssst. D1 samahan mo ako dito para matapos agad...
D1: Sureness.
D2: Madamme, bago kayo dito sa Village?
Liz: Oo, last month lang kaming lumipat.
D1: Bongga!!
D2: Hindi ko yata na eyeball si mister? Kayo lang palagi ng chikiting mo ang palagi kong nakikitang dumadaan dito?
D1: Magtanong ba!? Close kayo bakla?
Liz: Ah si Honey! Seaman, bukas dating niya for Christmas Vacation.
D1: Ayy! Bonggang bonga, can we be friends!? hahaha
Liz: Sure!
D1: Oh divah, friendship na kami ni da hu!?
Liz: Ah Elizabeth, Liz na lang.
D1: Oh divah, mala Diyosa ang pangalan!
D2: Nakita ko mam Liz, may Fortuner kayo sa garahe ng bahay, hindi ko nakikitang ginagamit mo?
D1: Spy-der bakla!
Liz: D1, D2, Liz na lang kayo naman, nag-aaral pa akong magdrive, binili ni Honey para sa amin.
D1: Ayyyy!!! Donya, Liz What color you want?
Liz: Aba syempre 'yung modern, kailangan maganda ako pagdating ni Honey bukas.
D1: Liz, magpa hairdo ka na rin para bonggang bonga, ang welcome party..
Liz: Hmmm, sige mamaya.
D2: Actually Liz, hindi naman ako ang nag a-asking, why oh why wala si mister mo eh, si ano...
D1: Si mahaderang walang magawa sa buhay kundi mangalkal ng kung ano anong kwento sa buhay ng may buhay.
D2: Trulalu.
Liz: Ahaha Sino naman 'yon?
D2: Sino pa eh 'di 'yung nakatira sa tapat ng bahay ninyo, tsurah! hmmmp.
Liz: Ah si Ate..., kaya pala laging nakatingin sa labas ng bahay
D2: Hindi lang 'yon tita Liz, kesyo palagi daw ang alis mo, tapos home alone ung chikiting mo sa yaya nya at 1 night daw, may naghatid ever saýo, 2 kelot, nag kiss ka pa daw sa isa...
Liz: Ay si kuya Nestor, kuya ko 'yun, nag birthday kasi si ate Charo, asawa niya, 'yung isang guy, kapatid ni ate Charo, eh gabi na kaya hinatid nila ako.
D1: Juice koh ang mahaderang bruha, false alarm ang churva.
Chismosa Thoughts
D2: Ayyyy!! (nagulat)
D1: Vhakeet!!
D2: Graveh na itoh! Ang beautiful ng feet mo donya, parang paa ni LT!
D1: Liz Taylor!?
D2: Shunga! Lorna Tolentino, slow ka bakla.
D1: Oh Ayan Finish Line na ang hands mo, Relax mo muna Liz.
D2: Gusto mo awayin natin si ano!?
D1: Si mahaderang walang magawa sa buhay kundi mangalkal ng kung ano anong kwento sa buhay ng may buhay.
Liz: Naku hindi ko feel... at hindi kami magka level.
D2: Taray mo ate! I like you nah promise...
Liz: Teka bakit D1 at D2 ang tawagan ninyo?
D1: Let me explanation with narration ate, kung B1 at B2 syempers alam mo na agad na bakla1 at bakla2 divah?
Liz: Ahaha oo nga eh bakit D1 at D2?
D1: Yours truly, Juan ang real name ko...
D2: Ang bantut!
D1: and because Dyosa kami kaya D1, si D2 naman ay Roberto ang real name, Toto for short hand writing, kaya Dyosa2, getsing?
Liz: Ahahaha kaaliw naman kayo.
D1: Siguro papabol si honey mo?
Liz: Sinabi mo pa, matinee idol kaya siya sa U.S.T. nung college kami.
D1-D2: U.S.T.? as in University of Sto. Tomas?
Liz: Yup! Why?
D2: Seaman daw kasi from U.S.T.
Liz: Ah nag-aral kasi siya ng HRM
D1: ýun naman pala eh, eh 'di magaling siyang magluto!?
D2: Obvious vah!
D1: Malay ko vah kung waiter lang si honey!?

D2: Hoy bakla 'wag ka ngang mang okray...

D1: Joke lang ate :)

Text Message:
.....

Liz: Oh ayan nasa airport na raw siya paalis na ang airplane.
D1: Sweet naman nya, ala syang load!? hindi ka tinawagan!? Joke!
D2: Mang okray ba!?
D1: Akala ko ba seaman siya, bakit Airplane!?
D2: Shunga, shunga ka talaga bakla, alangan namang ihatid siya dito ng barko nila noh!?
D1: Sorry naman.
Liz: Ahaha kaaliw kayo, nga pala sa December 8, birthday ni Nicole, punta kayo ha!?
D1-D2: Da hu si Nicole?
Liz: Baby namin, 7 years old na!
D2: Sure tita, gusto mo gawan natin ng party, ako ang emcee?
D1: Oo at ako ang clown!
Liz: Oo nga eh, naghahanap nga ako ng magandang place.
D2: I know, i know somewhere down the road.
Liz: Sige, bukas pagdating ni Honey balik kami dito para pag-usapan natin ang party.
D1-D2: Ayyyy! (nagtilian) Makikita namin si Honey ng bonggang bonga!!

Smile :)

Happy smiley Dancing Banana Animated dancing banana Happy