Sa ilalim ng Tulay

Naranasan mo na bang matulog sa ilalim ng tulay?

Mayroon akong kilalang OFW, 40 anyos na siguro siya ngayon.

Noong kabataan daw niya, mga edad 25 pataas ay nagtrabaho siya sa Saudi Arabia bilang welder. Noon ay anim na buwan siyang nagtatrabaho nang minsan isang araw habang bumibyahe sila sa kahabaan ng Khandara Bridge, nasiraan ang kanilang sasakyan, dahil gabi na ay nag desisyon silang matulog na lang sa ilalim ng tulay sa loob ng kanilang sasakyan.

Malamig ang panahon at nag-uulan. Maya-maya ay kinatok sila ng Saudi Police at isinama silang lahat.

Sa ngayon si Mang Poldo (hindi tunay na pangalan) ay naninirahan na sa Pilipinas matapos mabigyan ng amnesty sa kasong isinampa sa kanila dahil sa pagtulog sa ilalim ng tulay sa tulong ng Philippine Embassy.

Hindi man naibalita ang kwento niya,
Hindi man naging sikat katulad ng iba;
Ang mahalaga ay nakauwi na siya,
Kasama na ngayon ang kanyang pamilya.

Totoo man ito o isang kathang isip,
Ang hirap na dinanas ay walang kapalit;
Lilipas din at mawawala ang sakit,
Kung hindi isa-puso at isa-isip.