Palaisipan

Isang sikat na libangan,
Dito sa ating tambayan;

Tara nang sagutan,
Ang palaisipan.

Mga simpleng salita,
Na humahasa sa memorya;

Mula sa panitikan,
Hanggang sa pelikula.

Anim na letra pahalang,
Sigarilyo ng tikbalang;

Baka hindi mo pa alam,
Kung ano ang kabisera ng Guam.

Kailangang magkatugma,
Ang isasagot mo pababa;

Dahil kung hindi tama,
Malamang ikaw'y magbura.

Huwag kang mandaraya,
Na abangan bukas ang resulta;

O kaya naman ay manghula,
Dahil sagot mo'y mali mali na.

Itong tula ay alay ko sa mahal kong ina,
Na palaisipan fanatic mula pagkabata;

Huwag mo lamang iistorbohin,
At baka ikaw ay dyaryo'y hampasin.

Ang tulang ito ay nailathala sa blog ng aking kaibigang
Ronald Mallari "Mga Tula ng Buhay at Pag-ibig ATBP"