Sa Bawat Puting Rosas

Kailangan ba talagang umalis ka? Nena asked with tears in her eyes.

Of course my baby… para sa ating dalawa ito at pagkatapos ko doon, I can select na ng place na pwede akong maging permanent. Tom explained.

Baka makatagpo ka doon ng iba?, Nena asked again.

Of course not my baby, i love you and you alone, paliwanag ni Tom.

Sa gabi ding iyong ay ibinigay ni Nena ang sarili kay Tom, they made love. Kinaumagahan nagising na lamang si Nena na wala na sa tabi niya si Tom.

For weeks and months hindi na nagparamdam si Tom, no text, phone calls ay wala, even a letter or message from his family. Nena was very sad, sa tuwing makikita niya ang white rose sa kanilang garden ay nagbabalik sa kanyang ala-ala ang panliligaw ni Tom araw-araw.

Sino ba naman ang hindi makakapansin sa isang maganda, maputi, mahabang buhok, a dimple on her cheek, and a pair of tantalizing eyes and a rose red lips.

Palaging may pasalubong si Tom na white rose sa kanya as a symbol of pure and deepest love sa dalaga at sinagot naman niya ito pagkalipas ng isang buwan.

Sino ba naman ang 'di magkakagusto sa isang tall dark and handsome at sweet na lalaki. Higit sa lahat sa PMA nag-aaral si Tom as a 4th year student. Nena was a 3rd year student of nursing. Hanggang sa maka graduate si Tom sa PMA at agad itong na rank as a lieutenant at na-assign sa isang lugar kung saan pinamumugaran ng mga tinatawag na scalawags.

Nena was very sad… she don't want to see the white roses in their garden.

Ilang araw, buwan ding lumuha si Nena at ang masaklap pa, ay nagbunga ang isang gabing pagmamahalan nila. Buntis siya kay Tom.

Lumipas ang mga araw, kahit papaano ay naka move on si Nena, marami pa rin ang nanliligaw sa kanya lalo na ng malaman nila na wala si Tom sa tabi ng dalaga at isa na rito si Ferdie. Matiyaga at masipag bilang isang manliligaw si Ferdie, mabait rin ito ngunit 'di kasing tangkad at 'di kasing gwapo ni Tom. May work na rin ito, Engr. sa place nila, sa isang government agency. Nangako rin si Ferdie na sasaluhin ang responsibility as a Father of the child in Nina's womb kung sasagutin siya ng babae at magpapakasal agad rito.

Ngunit naguguluhan si Nena, sa isip kasi niya baka biglang magbalik si Tom, but even Tom's family ay wala ring balita sa binata at sabi ng mga kasama niya sa militar, nawala daw ito nang nahiwalay noong may mag-massacre sa kanila na mga NPA's, hinanap daw nila ito at nakatagpo naman sila ng bangkay ngunit 'di makilala kung sino ito at kinailangan pang ipa Dental check kung tutugma kay Tom upang masigurong ito nga si Tom, subalit matatagalan pa bago maipalabas ang result, kailangan pa kasi ng mabusising examination.

Anong gagawin ko?, she asked herself.

Even her family says she has to move on for the betterment of her child at sa kanya rin, kaya isang gabi;

Kailangan mag-decide na ako, sa isip ni Nena.

Samantalang, si Tom ay nabihag ng mga rebelde, sa panahong nag-iisa siya ay naaalala niya si Nena at ang puting rosas na kanyang ibinibigay dito araw-araw, sa kanyang pag-iisa ay gumawa siya ng puting rosas mula sa puting papel na nakita niya sa silid.

Ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon para maging matatag, upang magkaroon ng pag-asa, pag-asang darating ang araw at magkikita silang muli ni Nena.

Dumating ang araw na magdedesisyon na si Nena, ang araw na tatanggapin na ni Nena ang pag-ibig ni Ferdie at magpapakasal na dito.

Magandang gabi sa lahat… batid naman po ninyo ang naging istorya ng buhay ko, at narito po si Ferdie na nag aalay ng pag-ibig sa akin at sa magiging anak ko, kaya ngayong gabi…

Bago pa man nasundan ang linyang iyon ay may tumigil na sasakyan sa harapan ng gate ng bahay nila Nena, at lumabas mula sa sasakyan ang lalaking matangkad, kayumangi kahit pumayat ito ay 'di pa rin maitatanging gwapo ang lalaking iyon, matangos na ilong at manipis na labi, mapupungay na mga mata na tinirhan ng makapal na kilay, lalaking lalaki ang dating nito, lalo na sa suot na Camouflage Pants at Jacket ng isang Amry. May dala rin itong back pack at mahabang baril.

Natigilan si Nena sa pagsasalita nang makita ang lalaking iyon at agad na napaluha, dali daling tinakbo ang lalaki sa labas ng gate at yumakap dito.

Natigilan ang lalaki pagkat buntis na si Nena, humagulhol si Nena sa bisig ng lalaki at humingi ng tawad,

Patawarin mo ko, akala ko 'di ka na magbabalik…, sabi ni Nena.

Bakit nag-asawa ka na ba?, tanong ni Tom na may pormalidad.

Hindi… anu ah…, 'di maipaliwanag ni Nena kung paano sasabihin ang mga pangyayari, ang gusto lamang niya ngayon ay makulong sa mga bisig ni Tom.

Ilang buwan na ba yan?, tanong ni Tom.

Siyam… kabuwanan ko na, sagot naman ni Nena.

Bakit 'di mo 'ko hinintay?, mapait ang lumatay sa mukha ni Tom.

Hindi, mali ka ng inaakala, sagot ni Nena.

Mali? kitang kita ko na nga… mali pa?, sabi ni Tom.

Sa dahilang siyam na buwan nawawala si Tom ay ipinasya na lamang ni Nena na sagutin si Ferdie upang magkaroon ng pangalan ang magiging anak niya ngunit biglat nagbalik si Tom. Ang malaking problema, ayaw pakinggan ni Tom ang paliwanag ni Nena.

Tom… pakinggan mo naman ako oh, pagmamakaawa ni Nena.

Pagod ako… at 'di ko inaakalang ganito ang madadatnan ko, sa hirap na pinagdaanan ko sa kamay ng mga rebelde 'di ko akalain, may mas mahirap pang kalagayan sa pag-uwi ko. Sige Nena uwi muna ako, sabi nito sabay talikod.

Iyak na lamang ang tanging nagawa ni Nena, lumapit naman agad si Ferdie ng makitang wala na si Tom.

Tahan na… tayo na sa loob ng bahay… baka mapano ka pa, tahan na, pag-aalala ni Ferdie.

White Rose Origami