Kwentuhan sa Tren | Maikling Sanaysay


Minsan dumarating tayo sa puntong mapapa-Ibig tayo sa taong makikilala natin habang tayo ay sakay ng Tren papunta sa malayong lugar.

Dahil sa haba ng byahe, makakausap natin siya, makakabiruan, makakapalagayan ng loob, makakasamang kumain, makakasamang umidlip.

Maikukwento natin ang halos lahat lahat ng nakaraan natin dahil mahaba habang byahe pa ang tatahakin ng Tren.

Makikita natin ang kanyang reaksyon sa mga kwento, mababasa natin sa kanyang mga mata ang lungkot kung makakaRelate siya. Makikita din natin ang hagalpak ng kanyang tawa sa tuwing bibitaw ka ng nakakatuwang linya.

Mahaba kasi ang byahe, parang wala nang katapusan, nandyan kayong dalawa na halos hindi na maubos ang kwentuhan. Hanggang sa mamalayan mo na lang pagkagising mo mula sa pagkakaidlip, nakahilig na ang kanyang ulo sa iyong balikat. Ikaw naman hawak hawak mo na ang kanyang kamay.

Ganoon na nga ba talaga ang pag-ibig ngayon? Parang ang bilis bilis lang. Parang isang byahe ng Tren lang tapos "Kayo na!"

Ano nga talaga ang sekreto ng Pag-iibigan? Kailangan nga ba ng matagal na ligawan? o kagaya nitong isang simpleng usapan lang?

Totoo marami ang mga sumubok magmahal, nangarap mahalin at makaramdam ng pagmamahal, ngunit ang iba nauuwi sa hiwalayan.

Sa aking palagay, ang pagmamahalang mananatili ay iyong may matibay na pundasyon ng kaalaman ng bawat nagmamahalan, walang itinatago, walang sekreto, hayag at wagas na pagmamahal na may mabuting hangarin para sa minamahal.

Katulad ng byahe ng Tren, maaaring mabilis ang mga pangyayari, isa o dalawang araw na byaheng walang humpay na kwentuhan at kulitan, aba'y daig pa ang ilang buwan/ taong ligawan.

Bakit?
Naging totoo sila sa isa't isa.
Kailangan nila ang bawat isa para sa mahabang byahe ng Tren.
Naramdaman nila sa bawat isa na mayroon silang nadaramang pagpapahalaga.
At higit sa lahat hinayaan nilang tumibok ang puso nila para sa isa't isa.

Kakaibang pangyayari minsan, ngunit may katotohanan.

Kaya lagi po nating tatandaan!
Iisa lang ang puso natin kaya dapat itong ilaan sa taong may tunay at mabuting hangarin para sa ating Pag-ibig.

Minsan ka lang sasakay ng Tren!
Sa isang mahabang mahabang byahe ng Tren!

Sana ang makasakay mo ay siya na rin ang kaHawak kamay mo pag baba ng Tren!

Isang nakaka inLove ♥ na sanaysay po para sa inyo!
Dahil kayo ang Inspirasyon ko!

Originally Posted on my Fb Page using mobile

© July 2012 www.kwentonikiko.com