Adik sa 'yo ♥ Hinahanap-hanap Kita

Alam mo bang mula nang makilala kita,
Mundo ko ay pinuno mo ng saya?

Diwa ko'y binusog mo ng pag-aaruga
at Puso ko'y binigyan mo ng halaga.

Dati ang puso kong tanging dahilan ay tumibok para mabuhay,
Ngunit nang dumating ka'y, nagkaroon ito ng bagong kulay,

Ngayon siya'y tumitibok sa pagmamahal na tanging sa iyo ay alay.

Mahal na mahal kita,
Tanging laman ng bawat isip at salita;

Na buong puso'y winiwika,
Hinding hindi ka iiwanan sinta.

Sa mga sandaling ikaw'y hindi kapiling,
Hinahanap hanap ko ang iyong paglalambing;

At sa panahong ikaw'y nahihimbing,
Pangarap ko'y kayakap ka sa iyong siping.

Adik sa'yo bukambibig ng kabataan,
Ngunit sa atin ay may kakaibang kahulugan;

Pag-ibig na ating pinahahalagahan,
Ginawa nating bisyo mula umaga hanggang magdamagan.

Alam mong ikaw lang ang mamahalin,
Iyan ang sinisigaw ng puso't damdamin;

Kahit hanggang kailan tayo abutin,
Ikaw at ikaw pa rin ang iibigin.