Tula ng isang Tagahanga

Isa akong ofw na walang naging libangan,
Kundi ang magbasa ng dala kung pocketbook at bibliya.

Sapagkat sa dalawang bansa na una kong nasumpungan,
Paggamit ng cellphone ay ipinagbawal ng maldita kong madam.

Ngunit dito sa Taiwan,
Labis aking pasasalamat.

Sapagkat cellphone unang inihandog,
Ng bago kung madam!

Kaya't ngayon labis aking kasiyahan,
Sapagkat homesick na nadarama ay nabawasan;
Dahil nakakausap ko palagi mga anak na iniwan.

At sa aking pagsisiyasat sa google aking natunghayan,
Sari-saring kuwento ang aking nabungaran…

Sapagkat sa pinas, cellphone ko ay 3315 lamang,
Kaya't, ito google ay hindi ko alam…

Ngunit merong pahina na labis kong nagustuhan,
Sa mga kathang isip ni kiko labis ko siyang hinangaan.

Sana poh ay pagpasensyahan ang aking ginawa,
Sapagkat alam ko na ang isip ko;
Ay hindi kasing galing ng tulad mong makata.

Nagbaka sakali lamang ako sa aking kinatha,
Dahil nais ko lamang ipahayag ang aking labis na sayo ay paghanga.

Sana kung iyong mamarapatin,
Nais kung mapabilang sa 'yong mga kaybigan.

Kiko
nakakataba naman ng puso ang iyong mga tinuran
ako po ay isang hamak din lamang
na sa ibayong dagat ay nakikipagsapalaran

ang iyong kahilingang ako'y maging kaibigan
ikinagagalak kong ikaw'y kalugdan