Bakit nga ba kailangan natin pumili ng laban sa matalinong paraan?

Sanaysay

Lahat naman ng laban ay nangyayari sa buhay ng tao. Kahit sa ayaw natin o hindi, mangyayari at mangyayari ‘yun. Ngunit ang mahalaga dito, tayo ay may kakayahan at pagkakataon na pumili ng laban, ang laban na haharapin at lalabanan at laban na hahayaan at isasangtabi.

Kapag hindi natin natutunan ang ganitong matalinong pamamaraan ng pagpili ng laban, maapektuhan ang ating emosyonal at pati ang pisikal na kalusugan, kung sa bawat hamon ng laban ay papansinin natin. Lagi lang natin tatandaan na sa bawat laban, mayroon itong pinag-uugatan at mayroon iyong nagiging bunga na karaniwan ay galit na isa sa pinakamalaking ugali ng Pilipino, ngunit hindi kasalanan ang galit, anger is not sinful, ngayon kung itong galit ang maglilihis sa ating pagkatao, kung sino tayo talaga, at marunong na tayong kontrolin ang galit, matututo na rin tayong pumili ng laban na dapat labanan.

Kaya minsan magtataka ka bakit may mga tao kahit anong away mo, asar mo, hindi napipikon, hindi pumapatol kasi, kaya na nila kontrolin ang galit nila, kaya na nila pumili ng laban na lalabanan nila.

It is always WISE to choose your battles and battlegrounds to PROTECT your MENTAL and EMOTIONAL health. Hindi na uso ang matapang ngayon, survival of the wise na ang uso ngayong new normal. Kaya kung ipangangalandakan mo ang iyong katapangan at katangahan, goodluck.

ANGER