Patuloy Kitang Iibigin

Tula

Puso ko'y anong saya,
Nang sa buhay ko'y dumating ka;
Pagmamahal mong kakaiba,
Di na magawang humanap pa ng iba.

Sa aking paggising sa umaga,
Almusal ko'y nakahanda na;
May yakap at halik pang kasama,
Nakapagpapaligaya sa akin tuwina.

At sa gabi bago mahimbing,
Isang oras na paglalambing;
Sobrang saya sa 'yong piling,
Wala na akong mahihiling.

'Di na inalintana ang ating sitwasyon,
Ang iba'y maraming kwestyon;
Tayo pa rin ang magdedesisyon,
Sa ikasasaya ng ating relasyon.

Sana dumating ang panahon,
Mabigyan ng pagkakataon;
Kahilingan ko ay may tugon,
Ang makita ka mula sa kahapon.

Kung kailan ay hindi ko alam,
Kung saan Siya lang ang may alam;
Basta isa lang ang aking alam,
Narito ka sa puso ko at isipan.

Buhok mo man ay puro puti na,
Pati ang ngipin ay ubos na;
Mamahalin hanggang sa pagtanda,
Ikaw pa rin ang nais makasama.

Habambuhay kitang mamahalin,
Kahit ika'y maging ulyanin;
Hinding hindi kita bibiguin,
Patuloy kitang iibigin.

notesnikiko.com Popular