Love Bus Book 1 part 7

Love Bus Book 1

Nobela

Love Bus

SA LEGASPI PARK

Franz:
Masarap palang mag jogging dito Bru, (habang papalapit sa kinaroroonan nila Rich at Brenda.)
Brenda:
Naku ginagabi ka na Franz, umuwi na tayo
Rich:
OO tara na
Franz:
Teka lang! Isang ikot na lang, (buti na lang at may jogging area dito, kung hindi, na OP (Out of Place) ako sa kanila, kahit na malayo ako, kitang kita ko ang sweetness nilang dalawa, hindi ako nakakaramdam ng pagseselos dahil wala naman talaga akong gusto kay Brenda, ewan ko ba, ako na siguro ang pinaka tangang lalaki sa buong mundo dahil hindi man lang ako nagkagusto sa kanya, sabagay kapatid kasi ang turing ko sa kanya at isang tunay na kaibigan) Nice meeting you Rich, Bru bye ('yan ang mga huling kataga nang magka hiwa hiwalay kami nang gabing 'yun)

May 9, 2007

Ring Ring Tumatawag si Brenda Brenda:
Hello Franz where you?
Franz:
Nandito pa Bru sa bahay, pero paalis na rin
Brenda:
Teka 'san ka pupunta?
Franz:
May 9 ngayon Bru, dalawin ko si Kathy
Brenda:
Sige sunod kami 'dun ni Rich ha
Franz:
Okay kita na lang tayo 'dun
Brenda:
Rich, paalis na pala si Franz, pupunta kay Kathy, tara sunod na lang tayo sa Manila Memorial Park
Rich:
san banda 'dun?
Brenda:
Alam ko malapit 'yun sa libingan ni Rico Yan, madali namang mahanap 'yun kasi nandun lang din naman naka park ang kotse ni Franz
Rich:
Sino ba si Kathy?
Brenda:
Ah GF ni Franz, namatay sa car accident, matagal na 'yon, last year kasi sinamahan ko rin syang dumalaw kay Kathy, taon-taon kasi dinadalaw n'ya 'yon, alam mo ba halos masiraan siya ng bait nung mamatay si Kathy, kasi magkasama sila sa taxi tapos on the spot namatay si Kathy nung binangga sila ng Jeep, nakakaawa noh?
Rich:
Ako, alam mo, sana nga ganun na lang 'din ang mangyari sa akin, 'yun bang 'pag namatay ka, biglaan, isang sakit, isang iyak
Brenda:
Ano ka ba?, 'bat ka naman nagsasalita ng ganyan Rich, Bakit may sakit ka ba?
Rich:
Walaaaa, naisip ko lang
Brenda:
Ikaw ha, baka may nililihim ka sa akin tapos iiwan mo na lang akong bigla, (sabay nguso), dati 'nun sa Chowking, tanong mo kung dadalaw ako sa burol mo
Rich:
hahaha naalala mo pa 'yun?
Brenda:
Ayun, 'yun si Franz oh, park mo na lang 'jan, 'yun nakita mo 'yun? Yung Concave Shrine, yan ang libingan ni Rico Yan

Franz! (tinawag si Franz)
Franz:
oy, Brenda, Rich, thanks for coming!
Rich:
Katherine Ann Rivera - August 6, 1975 - May 9, 1992. So matagal na pala
Brenda:
Oo naman at yearly 'yan dinadalaw ni Franz at syempre hindi mawawala ang Tulips
Rich:
Ay oo nga noh 'jan lang pala ang kay Rico Yan
Franz:
Oo kaya nga 'pag Nov. 1 hindi ako pumupunta dito, napagkakamalan akong artista, hahaha joke!
Brenda:
Asus! mamaya gusto mo Rich daanan natin tapos banda 'dun naman 'yung kay Ninoy Aquino
Franz:
Tara kain tayo, treat ko kayo sa SM Sucat
Brenda:
Sige tara, dito na ako sasakay kay Rich, Franz
Franz:
Okay (buti naman at dala na ni Rich ang CRV nya)

Magkita na lang tayo 'dun, park nyo sa loob ha! magkita tayo sa Karate Kid

SA KARATE KID SM SUCAT

Rich:
Sayang noh Franz, nagkahiwalay kayo ng maaga ni Kathy
Franz:
Tanggap ko na 'yun brad, na hindi kami para sa isa't isa, sobra kasing bait ni Kathy, tapos parang madre, sobrang hinhin magsalita
Brenda:
Buti na lang ako...
Rich:
Buti na lang ano?
Ring Ring Tumawag si Mona Franz:
Hello, Mona, 'yup, okay i'll be there, take care, bye

Rich, Bru, maiwan ko na kayo, puntahan ko pa si Mona, thanks ha for the visit.

Brenda/Rich:
Okay ingats
Rich: Saan mo gustong pumunta pagkatapos natin kumain? Brenda:
Umm, mag iko't ikot muna tayo dito, hindi pa rin kasi ako masyadong nakaikot dito sa SM Sucat

3 MONTHS LATER

KNOCK KNOCK

Si Brenda ay kumakatok sa pintuan ng Condo ko Franz, buksan mo Umm, teka lang, istorbo naman toh, natutulog pa eh, Anu ba 'yon? (habang binubuksan ang pinto) Ito oh Franz, si Abby nasa list ng Nurse Licensure Examination Result (habang ipinapakita ang Philippine Daily Inquirer) 'yan lang ba ang ipinunta mo dito at ginising mo pa ako? Hoy, ano ka ba?, bakit hindi mo tawagan, greet mo lang, ayain mong lumabas? naku Bru, wala na kaming communication ni Abby, ilang beses ko bang ipaliliwanag sa'yo, tsaka 'bat ka ba interesado 'jan sa Abby na 'yan ha? wala lang, curious lang kasi ako, kung ano ang nagustuhan mo sa kanya eh ba't mo naman kailangang alamin? bakit masama bang magtanong? alam mo Bru, isa sa weakness ko sa babae eh 'yung chubby, oh bakit ka sumimangot?(sabay talikod ni Brenda at nagpunta sa kusina, binuksan ang ref at naghanap ng lulutuin pang breakfast ) Bru, ipagluluto mo ulit ako? may bago akong download na recipé nasa gilid ng Ref (pasigaw) Pagkatapos magluto ni Brenda ay kumain na kami sarap ah, alam mo Bru, kulang na lang bigyan kita ng duplicate ng susi nitong unit ko noh? oh 'bat hindi ka pa rin umiimik jan? may problema ba kayo ni Rich? alam mo Franz, ewan ko ba, kapag magkasama kami ni Rich, masaya ako, it is good to know and to feel being loved ayun naman pala eh pero kasi minsan kapag mag-isa ako, ramdam ko, parang merong emptiness sa puso ko, alam mo 'yun Franz, 'yung parang wala sa maximum level ang happiness seriously Bru, ganyan talaga 'pag nagmamahal, sometimes may hinahanap ka pa, 'jan mo dapat i-develop ang discipline at maturity, noon akala ko si Myra na ang pakakasalan ko, hindi naman pala until I met Abby and now si Mona naman, lessons I learned is discipline in love kasi dumaan din ako sa stage mong ganyan, kaya dapat ikaw (naputol) teka diba si Myra, siya si bhé bhé mo, kumusta na nga pala sya? nasa kanila, hehehe, nagwo work sya sa isa sa pinaka kilalang Peanut Butter Company dito sa atin oo, chubby rin sya teka pano mo nalaman? s'yempre nakita ko kaya sa Photo Album mo sa kwarto mo, sweet sweet nyo sa Cowboy Grill sa Malate, dami kayang picture tapos meron pa sa Baywalk Roxas Blvd., pati nga sa may Floating Restaurant sa labas nga lang langya ka Bru, wala naman akong maitatago sa'yo, nasa cabinet na nga 'yon eh bakit kasi tinatago mo pa ang pictures nila? tulad na lang ng picture ninyo ni Abby naka-frame pa alam mo Bru, may kapangyarihan ang bawat litrato kapag itinatago mo, magpapaalala sa'yo kung ano ka noon, sa pag uugali mo, minsan mapapansin mo, bakit tila wala akong kaibigan ngayon? pero kapag tinignan mo ang litrato mo dati, ang saya-saya mo kasama ng mga kaibigan mo at madami pa sila, ask yourself why, there must be something wrong in your present attitude... sometimes a failed relationship will remind you of your picture together, bakit kayo nagkahiwalay? and you must learn from that.. ah kaya pala ayaw mong magpa picture kasama ako Franz, para hindi mo ako maalala? ano ka ba? wala lang time Bru, pwede ba namang wala tayong remembrance Ring Ring Tumatawag si Rich kay Brenda Hello, okay sige bye sweetie naks naman parang arnibal lang ah! teka 'san tayo naputol Franz? naputol tayo sa Discipline  in love, iniba mo kasi ang topic eh oh sige tuloy mo hindi lang naman ikaw ang nakakaramdam ng ganyan, madami silang katulad mo na kahit na may BF na eh parang walang contentment, no offense ha, dapat alam mo sa sarili mo kung bakit mo minahal ang BF mo, then dapat alam mo rin ang mga katangiang meron siya at wala, sabi nga ng kantang Love Me for what I am, diba sa huli .. and if you're only using me to feed your fantasy, you're really not in love.... pero ito ang isang matinding tanong, pareho kayong in love tapos you expect too much from your partner eh pano nga ba gagawin ko Franz? Bru, always keep the flame burning, 'wag mong hayaang daigin ng emptiness ang love mo kay Rich, emptiness will make you feel cold, I tell you, I 've been to that situation before, when I met Myra tapos merong ganito si Abby na wala si Myra.. pero parehas silang chubby ah naku 'wag na nga, mahabang kwento sige na tuloy mo, 'to naman nagbibiro lang ah basta, kung mahal mo si Rich, accept him kung ano man sya, kung kayo eh 'di kayo, kung hindi naman, break mo na agad para hindi kayo mahirapan pareho, sweet sweet n'yo tapos ganyan feeling mo wala ka bang pasok Franz? wala bakit? sama ka, nood kami ng movie ni Rich hindi na Bru, manonood naman kami bukas ni Mona, hatid na lang kita, 'san daw ba? Nagtext si Rich kay Brenda rich:
i'm here
Franz, nandito na si Rich, ano hindi ka ba sasama? dito na lang ako, may research pa ako anong research 'yan? saka na natin pag usapan, 'pag may time ka Oh pano, Franz, labas na ako ha, alis na kami ni Rich 'bat hindi mo muna pinapasok dito? hindi na, hirap daw magparking
Hi! (sabay kiss sa lips ni Brenda) sarap naman rich, saan tayo? sa SM Mega Mall, nood tayo ng Die Hard IV: Live Free or Die Hard showing na oy oo maganda 'yan, Bruce Willis
sweetie kain tayo sa Wendy's ha pagkatapos, meron akong GC (gift cheque), bigay ni Franz sure, buti binigyan ka, san daw galing? eh diba sa Mega Publishing na siya ngayon nagwo work, 'dun daw galing sa office nila

SA WENDY'S

'yun Rich favorite ko Spicy Chicken Caesar Salad, tapos 'yan Bacon and Cheese Potato umm sarap... so matagal na pala kayong magkakilala ni Franz? hindi naman, last year lang mga month of march, dito kami nagkakilala sa Mega Mall, kasama nya pa nun si Abby, tapos kumain kami sa El Pollo Loco ah kala ko kasi mag BF kayo dati oy hindi ah, close lang talaga kami kasi nga mabait talaga s'ya, 'lam mo ba lalo kaming naging close nung nagkahiwalay sila ni Abby, pero bago 'nun, magkahiwalay na sila ni Myra tapos sino nga ulit un, tsk tsk, ah si Cristina, matagal bago nya nasundan si Kathy, mabuti naka move on sya eh 'bat hindi ka nya niligawan nun? 'nukaba Rich, kita mong ka be break lang eh, wala sa wisyo, eh kung niligawan ako nun ni Franz eh 'di hindi mo ako GF ngayon, tsaka may GF sya ngayon, si Mona sabagay, siya nga pala, hindi pa sure pero next month, dalawin ko si Mama sa states gusto mong sumama? hmmm, bakit may sakit ba si Mama mo? wala naman, naglalambing lang, tsaka papa check-up na rin ako kay Tito Manuel dito sa ubo ko.. so dapat pala maayos na ang visa natin 'yan sasama ka ha? sure, ilang araw ba para makapag file ako ng leave? two weeks lang sige, sabihan ko rin si Franz, teka gusto mo puntahan natin siya sa Mega?, dito lang 'yon sa likod ng St. Francis Square sa Strata 100 lang… sige ba sige tawagan ko, tsk tsk hindi sinasagot Rich, text ko kaya sya sa smart nya, ayan na send na…
tawagan ko kaya ulit
Ring Ring Tumatawag si Brenda hello hello Franz, punta kami ni Rich 'jan sa office mo… huh? Bru, hindi ako pumasok di ba?, sabi ko may research ako… um sige bye, tomorrow daanan mo ako sa office ha, hindi daw ako susunduin ni Rich, may lalakarin daw siya, kaya sunduin mo ako tapos pag-usapan natin 'yang research mo okay bye