Love Bus - Book 2 part 1

Love Bus Love Story Book 2 Love Bus 2

MARCH 2015

Nagpapaalam si Brenda kay Josh sa Ninoy Aquino International Airport

Anak 'wag matakot ha! may pag-asa, mahal na mahal ka ni mommy, tatawagan kita palagi ha… sasagutin mo ang cellphone mo ha, sige na, bye na pasok na ako

SA LABAS NG AIRPORT

Nag-usap sina Franz at Josh

Tito Franz, matatagalan ba si mommy?
Two years ang contract n'ya doon

'diba matagal 'yon?
Hindi naman, tsaka kasama ka naman ni Tito dito 'diba? Ako ang mag-aalaga sa'yo 'diba?

Thank You Tito Franz, kasi natatakot ako, baka… baka makalimutan na ako ni mommy
Josh, 'wag kang matakot, tatawag agad si mommy mo 'pag dating ng airplane sa Qatar, tsaka may yahoo chat naman 'diba?

Baka makahanap na siya doon ng kapalit ni Papa Rich?
Josh, mahal na mahal ka ng mommy Brenda mo, kaya siya nag-abroad para sa iyo, para sa pag-aaral mo, sa kinabukasan mo

Sabi mo ikaw ang mag-aalaga sa akin, may pera ka naman 'diba? Sana ikaw na lang ang magpa-aral sa akin para hindi na nag-abroad si mommy
Josh, bata ka pa, kung ikukuwento ko sa'yo ang lahat-lahat, baka hindi mo maintindihan, vanito na lang, kain na lang muna tayo sa Jollibee bago tayo umuwi

SA KOTSE NI FRANZ

'diba Tito sabi mo tuturuan mo akong mag-drive?
when you get older, 7 years old ka pa lang

Hmmm tagal naman
Daan tayo mamaya sa Ninang Myra mo

'diba Tito patay na si Tita Myra?
Oo nga sa Manila Memorial Park Parañaque

Ay oo nga Tito 'diba last year lang siya namatay?
FEBRUARY 2013

Bumisita sina Brenda at Josh kina Franz at Myra

KNOCK KNOCK KNOCK

JOSH: Tao Po, mommy wala yatang tao…

BRENDA: Meron 'yan Josh, bukas ang ilaw sa loob
SA KUSINA

MYRA: (Malakas ang Boses) Franz, may kumakatok

FRANZ: Ha!?
MYRA: Ang lakas lakas kasi ng TV mo, may tao kako sa labas, may kumakatok

FRANZ: Ok! I'll get it (Pagbukas ng pinto) Oy, tuloy, pasok, Hi Josh ang laki laki mo na (sabay kiss) Bru pasok, Mama nandito na sila
(Si Josh ay tumakbong papalapit kay Myra)

JOSH: Hi Ninang! Happy Birthday Po! Ninang pa kiss naman po

MYRA: Hmmm, ang sweet naman ni Josh, Papa, i-set mo na ang lamesa, para makakain na tayo
FRANZ: Ok!

MYRA: Hi Bren! (nagkiss)
BRENDA: Happy Birthday My

FRANZ: Table is ready. Kantahan na!
(Lahat)
Happy Birthday to you
Happy Birthday to you

Happy Birthday
Happy Birthday

Happy Birthday to you


JOSH: Um, make a wish ninang before you blow the candle

MYRA: Hehe ang cute
BRENDA: Josh, dito ka na maupo!

JOSH: Gusto ko tumabi kay Tito Franz eh
BRENDA: Ok, 'wag kang malikot

JOSH: Opo mommy, Tito ano po 'yung pinapanood mo?
FRANZ: Ah MTV ng Faithfully ng Journey

MYRA: Bren, kumusta ang application mo sa Qatar?
BRENDA: Ayun, waiting for visa pero sabi ng employer within a year daw

FRANZ: Mabuti naman at direct hiring 'no?
BRENDA: Oo, tsaka maganda na sa Qatar ngayon

FRANZ: Saan ba ang Qatar?
MYRA: Sa Middle East

BRENDA: Hindi ka kasi nagbabasa ng balita, 3 years ago, nanalo ang Qtar as Host Country sa 2022 World Fifa
FRANZ: Ahh

JOSH: Eh tito panay kasi nood mo ng MTV
BRENDA: Josh, bakit nakikisabat?

JOSH: Sorry po mommy
FRANZ: Josh, maganda kasi ngayon ang show, MTV - Classic

JOSH: Eh ayan tito ano naman 'yan? (sabay turo sa palabas)
BRENDA: Josh eat first

FRANZ: Ah ayan, Flying without wingsng Westlife (Nasamid)
MYRA: Oh papa, may nakaalala sa'yo

FRANZ: Wala, may naalala lang ako sa music na 'yan, nasa loob ako ng Love Bus noon
EKSENA SA LOOB NG LOVE BUS
(Tinapakan ni Brenda ang paa ni Franz sa ilalim ng lamesa)

JOSH: Tito ano naman po ung Love Bus?