Love Bus Book 2 part 2

Love Bus Book 2

Nobela

Love Bus 2
Franz:
Aray ko!
Myra:
Papa bakit?
Josh:
Si mommy, tinapakan si Tito Franz
Brenda:
I'm sorry, hindi ko sinasadya
Franz:
Hmmp. Josh ang Love Bus o Bus ay sasakyan din pero marami ang nakakasakay. Hindi mo na nakikita ngayon 'yan kasi wala na kahit isang bus dito
Josh:
Bakit po nawala Tito Franz?
Franz:
Kasi naiayos na ni PNoy ang traffic problem two years ago, tinanggal niya ang Bus, ginawang mura ang Taxi Fare at halos lahat ng Company ay may Service Van para sa kani-kanilang empleyado
Brenda:
Hindi ah! Meron pa rin namang iba sa probinsya
Franz:
Bru, What I'm saying ay dito sa Manila. Kita mo kahit kayo naka kotse na, kasi mura na ang gasolina pati sasakyan. Ano ka ba? Ikaw itong hindi nagbabasa ng balita
Brenda:
Grrr, sabi ko 'ung balita sa Qatar noon
Franz:
Oo nga, eh 2010 pa 'yun bru, 2013 na ngayon, wake up! Maunlad na ang Pilipinas at papaunlad pa ito (Kaya 'wag ka nang magpunta sa Qatar)
Brenda:
Ha!? Anong sinabi mo?
Franz:
Wala sabi ko lalabas lang muna ako (Naku bru, Love Bus Book 2 na, bingi ka pa rin)
Myra:
Hay nako tara sa kusina Bren, nangiinis lang 'yan si Franz

SA KUSINA

Nag-usap sina Myra at Brenda 'yang asawa mo talaga nakakapikon Ikaw naman parang hindi mo naman kilala 'yan Hay naku, buti naman at pinakasalan mo 'yan no! Haaaay Bren lahat na yata ng M meron si Franz, mabait, matalino, malambing, mapagmahal, maasikaso, makwento, no dull moments… Josh:
Mommy lalabas lang ako, susundan ko si Tito Franz
Brenda:
Sige 'wag maglilikot ha! Ay oo nga, teka alam mo bang may naging Myra din siyang gf nuon?
Oo, ikinuwento n'ya lahat, pero alam mo, he never compares me to anyone of them, ni minsan hindi niya nabanggit, kahit na minsan pikon na pikon na siya sa akin 'pag inaasar ko siya Hahaha, kaya Best Friend ko 'yan eh, Alam mo bang inaway away ko 'yan para ligawan ka noon kasi sobrang ganda mo daw para sa kanya (Sabay) at pinakasalan pa! (Sabay tawa ng malakas) Happy Birthday ulit My, alam mo, kung hindi sa inyo ni Franz, baka lukaret na ako Wala 'yun, sino pa ba ang magtutulungan, eh kung hindi nga ba dahil sa 'yo, makikilala ko ba si Franz? Ay teka muntik ko nang makalimutan 'yung gift ko sa'yo, tara nandoon sa bag Ito naman nag-abala pa (Binigay ang gift) Happy Birthday Wow, 'lam mo talaga ang favorite ko ha

Octubre 1907

MANILA CATHEDRAL

MONSIGNOR:
Sumaiño an capaiapaan
LAHAT:
At sumaiño rin
MONSIGNOR:
Umaio caio at ibiguin an iñong capua
Noon unang nakita ni Enrico si Cecilia mula sa tatlong buwang paghahanap, nagkatitigan sila ni Enrico Cecilia:
(Enrico! - nasabi sa sarili)
Ricardo:
Cecilia, alica na at pupunta pa taio quila papâ (habang hawak ang kamay ng dalaga)
Cecilia:
Aiun an calesa Ricardo tauaguin mo
Enrico:
Cecilia (Hinabol niya ng tingin hanggang sa makasakay ng kalesa)
Si Cecilia ay nagtatrabaho sa isang Bangko sa Escolta, matagal nang hinahanap ni Enrico ang kasintahan mula nang sila ay magkahiwalay

SA LOOB NG BANGKO

Cecilia:
Enrico, baquit ca nandito?
Enrico:
Panquingan mo aco Cecilia, nais cong magpaliuanag
Cecilia:
Uag dito Enrico, mamaiang gavi sa camposanto, duon taio magquita
Enrico:
Saang camposanto?
Cecilia:
Doon sa Paco an ating tagpuan?
Enrico:
Magiintai aco Cecilia alas nueve ng gavi
Cecilia:
Sigue na Enrico, baca abutan ca ni Ricardo dito

KINABUKASAN

Tinanong ni Myra si Franz tungkol sa narinig nya kagabi habang nagsasalita si Franz nang natutulong Papa sino naman si Cecilia? Ha!? Wala akong naging gf na Cecilia noh! Kagabi, ang sarap ng tulog mo, sabi mo Iniibig quita Cecilia, icao an laman ng aquin puso at icip Eh bakit hindi mo ako ginising? Ang galing mo kasing magsalita ng espanyol, tapos sabi mo pa pacacasalan quita Cecilia Sus, panaginip lang 'yun mama. Ikaw naman ang asawa ko 'diba? Hmmm malay ko kung meron kang naging asawa noong unang panahon?