Spoliarium - Tula, Pinta at Kanta

SPOLIARIVM
Napuno ang aking isip ng mga salita at pangungusap,
Mga tanong at haka hakang saan ako magsisimula;
Spoliarium na ikinikintal, parang alon sa pintig ng ulan,
Bilis ng pag-iisip bagwis na tumarak sa dibdib.

Agam-agam at pananabik, lulan ng tangan mong hatid,
Mungkahi na binigyang halaga, tinutuligsa ng munting bata.

Patak ng kandila sa balat ,
Tikom na labing kagat kagat;
Bilis na pintig ng puso,
Kabang dala ng nagdidiliryo.

Bangis ng kamandag sa siwang na ibinulatlat,
Tuyot na labing hindi maikubli;
Nadarang sa dusang puno ng hikbi,
Itanong mo sa buwan pagsapit ng gabi.

Diligin ng ambon itong murang binhi,
Lisanin ang isip ng mapanirang puri;
Dugong nananalaytay sa gawang mabuti,
Tugon sa suliranin ng nakararami.

Ang singsing na suot ay pakaingatan,
Paghuhugas ng kamay ay huwag bilisan;
Maging totoo sa iyong tinuran at,
Iwasang tamaan ng mahiwagang boomerang.

Kailan bibigyan ng puwang, ang agos na laman ng isipan?
Ang Tulang Spoliarium ay pinagsama-samang samu't saring laman ng aking isip na nais kong iparating bago ako maidlip, hanggang sa ako ay managinip ito ang aking naging bukambibig.

Ang Pintang Spoliarium ay iginuhit ni Juan Luna bilang lahok sa ExposiciĆ³n Nacional de Bellas Artes noong 1884 at nagwagi ng medalyang ginto. Noong 1886, ito ay ipinagbili sa DiputaciĆ³n Provincial de Barcelona sa halagang 20,000 pesetas. Ito ay kasalukuyang makikita sa pangunahing palapag ng National Museum of the Philippines.

ctto Grace Under Pressure

[ SPOLIARIUM by: Eraserheads/ Imago ]
Dumilim ang paligid, may tumawag sa pangalan ko
Labing isang palapag, tinanong kung okey lang — ako
Sabay abot ng baso may naghihintay
At bakit ba 'pag nagsawa na ako biglang ayoko na

At ngayon 'di pa rin, alam kung 'bat tayo nandito
Pwede bang, itigil muna, ang pag-ikot ng mundo

Lumiwanag ang buwan, San Juan 'di ko na nasasakyan
Ang lahat ng bagay ay, gumuguhit na lang sa 'king lalamunan

Ewan mo at ewan natin, sinong may pakana?
At bakit ba tumilapon ang, gintong alak diyan sa paligid mo?

At ngayon 'di pa rin, alam kung ba't tayo nandito
Pwede bang, itigil muna, ang pag-ikot ng mundo
Ooohhhh ooohhhhhhh ahhhhhhh ahhhhhhh ahhhhhhh

Umiyak ang umaga, anong sinulat ni Enteng at Joey diyan
Sa gintong salamin, 'di ko na mabasa 'pagkat merong nagbura
Ahhhh ahhhhhhh ahhhhhhh ahhhhhhh ahhhaahhhh ahhhhhhh

Ewan mo at ewan natin sinong may pakana?
At bakit ba tumilapon ang spoliarium diyan sa paligid mo?

At ngayon 'di pa rin alam kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo

Pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo
Pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo
Ang pag-ikot ng mundo ang pag-ikot ng mundo
Ang pag-ikot ng mundo ang pag-ikot ng mundo
Ang pag-ikot ng mundo ang pag-ikot ng mundo
Ang pag-ikot…


Ang Kantang Spoliarium ay nagmula sa Eraserheads mula sa Sticker Happy Album na naglalarawan ng hubad na babae na nagpapatugtog ng piano sa gitna ng parang sa kanilang cover. Ang hubad na babae ay si Channel [V] VJ Joey Mead. Taong 2002 nang maghiwa-hiwalay ang Eraserheads, 2005 ay naglabas ng tribute album ang Sony BMG Music Philippines, Inc. ng Ultraelectromagneticjam!: The Music Of The Eraserheads at ang Spoliarium ay tinugtog ng Imago.