Tula: Salamat sa Iyo Puerto Princesa - Palawan Pilipinas

Sa bawat ama at ina,
Kay ate at kay kuya;

Na tulong tulong nakisama,
Upang Pilipinas ay minsan pang...
Sa New 7 Wonders of Nature ay makasama.

Kasaysayan ay muling nadugtungan,
Sa tulong ng ating mga kababayan;

Tunay na tagumpay ay nakamtan,
Pagkakaisa ay nagsilbing huwaran.

Munting bata imulat ang iyong mga mata,
Ang Pilipinas na iyong sinisinta;
Sa sanlibutan ay tanyag na.

Walang dahilan para maging batugan pa,
Ipagmalaking Pilipinas ay anak ka;
Para sa iyo itong aming ginawa,
Dadalhin mo hanggang sa iyong pagtanda.

Akong si makatang kiko ay natutuwa,
Sa mahigit walong libong mga bumisita (9,+++ youtube views);
Sa munting video na aking ginawa,
Alam kong nakatulong ito sa madla.

Salamat sa iyo Puerto Princesa mula dito sa Qatar!


Ang inyong lingkod po ay naging
Public Information Committee on Vote PPUR for New 7 Wonders of Nature Qatar sa pangunguna ng BalitangQ/ at Philippine Embassy Qatar

TUNGHAYAN PO ANG SIMULA NG KAMPANYA
Official Launch of the Puerto Princesa
Underground River Campaign




At sa tulong ng ating mga kababayan dito sa Qatar sa pamumuno ng aming butihing Ambassador Crescente Relacion, naisakatuparan ang LAUNCHING Of I Voted Puerto Princesa Underground River noong October 21, 2011, na tanging ang bansang Qatar lamang ang gumawa ng ganitong aktibidad sa buong mundo.
Pinangunahan ito ng BalitangQ sa tulong ng Social Media Group dito sa Qatar [FODQ - Filipino!! OFW Doha Qatar] at iba't ibang Facebook Group (pasensya na po at andami ninyo)

LAUNCHING Of I Voted Puerto Princesa Underground River-Qatar

Click to enlarge
Poster Designed by: Sir Flor Cabrito
Senior Graphic Designer of Sheraton Doha Resort & Convention Hotel

Noong November 11, 2011 ay inilabas ang
The Provisional New7Wonders of Nature


• Updated January 2012