Kahit Saglit lang naman

Minsan binabalewala natin ang kapangyarihan ng hawak/hipo, ng ngiti, ng magandang salita, ng pakikinig, ng totoong paghanga, ng isang simpleng pagkalinga, na bahagi na ng ating mundo, bahagi ng ating pagkatao.

Ang mga taong dumarating sa ating buhay ay mayroong dahilan, may panahon at minsan pa, panghabang buhay na, kaya't samantalahin nating nariyan pa sila.

Ipadama natin at ipaalam sa ating mahal kung gaano sila ka-importante sa buhay natin, kahit sa simpleng paraan.

Kaibigan ngayon na ang panahon… Tawagan mo siya, kausapin, hawakan ang kanyang mga kamay, halikan, ngitian at mahalin.

Dahil kung hindi ngayon, kailan pa? Kahit Saglit lang naman