Binasag na Katahimikan

Sekretong ipinangalandakan,
Akusa ng isang hunghang;

Tsismis ang mga paratang,
Na wala namang basehan.

Sino nga ba ang makakaalam?
Sa bawat balangkas na tinuran;

Kung nananatili itong kathang isip,
Kahit na may katotohanan.

Salitang kanto ang mga natamo,
Mula sa inaakala mong matalino;

Isip ay hindi pinagana,
Bagkus nagpakawala ng mga salita.

Ayos na sana ang ganti,
Kahit na nakakasirang puri;

Ngunit tila parang lumala pa,
Sa mga paratang na nakakalula.

Ako'y nananatiling tahimik,
At mananatiling walang imik;

Dahil hindi ako mahilig magsambit,
Ng mga nakaririmarim na titik.

Kung nabasag ko man ang katahimikan,
Basahing muli ang aking panitikan;

Sadyang walang katuturan,
Sabi nga, walang kwentang kwentuhan.

Kwentuhang puro kalokohan,
Mga kwentong hindi dapat paniwalaan;

Kaya bakit papatulan?
Walang kwentang pag-aksayahan.

Sabi nga ng kasabihan:
Minsan kahit tama na ang sinasabi mo,
Sa harap ng maraming tao,
Hindi ka pa rin mananalo,
Kahit pa gamitin ang puso,
Wala paring katuturan ito,
Dahil may mas mataas na magjuJudge sa 'yo
#MissUniverse