Sa Muling Pagbangon | May Bukas Pa

Sa Muling Pagbangon

Sa bawat patak ng luhang naipon, Mga ngiting tinakpan ng lungkot;
Kahapong nagsilbing inspirasyon, Inspirasyon sa muling pagbangon.

Ala-alang hindi malimot, Pusong nagmahal ng lubos;
Sa pag-asang umibig na muli, Lungkot sa labi ay nais na ikubli.

Isang tawag mula sa kawalan, Ginising ang diwang nag-aalinlangan,
Luha mo ay aking papahirin, Lungkot ng nakaraan tutulungang limutin;

Pag-asang syang naging sandigan, Ng pusong labis na nasaktan;
Sa pagkakadapa ay nasugatan, Sa lalim ay lubos na nahirapan.

Ngunit itong tinig ay naninindigan, Sa muling pagbangon ay tutulungan;
Tatanggapin ang lahat ng nakaraan, Susuklian ng saya sa kasalukuyan;

Bakit nga ba ganito ang buhay? Tanong nitong dalagang nalulumbay,
Kayhirap lampasan ang bawat sandali; Siya sa isip na namamalagi.

Kahit ilan silang sa iyo ay ipalit, Mananatili ka sa puso at sa isip;
Pagmamahal mong labis labis, Tunay na wala kang kapalit.

Ngunit kailangang tanggapin, Ikaw ngayon'y bahagi na ng kahapon;
Pagkakamali natin'y magsilbing inspirasyon, Sa ating muling pagbangon.

Featuring the voices of Dioseyl Fornes, Allysa Quijano, Angel Galias, Cristina Bhonus, Musica Reyes and Katrina Velarde.


Una sa lahat, maraming maraming salamat sa napakahusay na mga kaibigan ko. Dioseyl Fornes, Allysa Quijano, Angel Galias, Cristina Bhonus, Musica Reyes at Katrina Velarde. Ginawa po namin ang video na ito para patuloy na wag na wag tayong mawalan ng pag-asa. Para sainyong lahat po. God bless you guys. :))

—Angeline Quinto, Love Angeline Quinto Youtube Channel