Epekto ng Pandemya, apektado ka ba?

Salamat Nga Ba Covid?
Isang Mapagpalang araw sa inyo!
Bakit nga ba Salamat Covid? Kung babalikan natin ang nakaraan, maaaring isa itong tugon sa mga panalangin natin noon ngunit nakalimutan na natin. Minsan akala natin na hindi tayo naririnig ng Diyos. Tunghayan natin ang nakaraan. Nawa'y ang mababasa mo sa ibaba ay maisip mong oo nga pala.

COVID-19

1. Halos ang mga magulang, patuloy na nag aasikaso ng uniporme ng kanilang mga anak, nag aayos ng pagkain, baon etc. at malalaman lamang na ang anak ay hindi naman pumasok kundi nagbubulakbol lamang, pagkagaling ng bahay diretso sa computer shop para gastusin ang baon, mag cutting classes. Buti na lang nagka Covid, na quarantine ang mga bulakbol, nabawasan ang paglalaba ni nanay ng uniporme at napahinto ang pagooperate ng mga computer shop na patuloy na tumatanggap ng mga istudyante na nag cu-cutting class.

2. Maraming nagagalit na magulang sa mga guro na istrikto sa paaralan, mayroon pa ngang na ipaTulfo, nang nagka Covid naiba ang sistema, itong mga magulang na nagagalit sa mga guro, sila na ngayon ang gagabay sa kanilang mga anak sa online class, mararanasan nila kung ano nga ba talaga ang kilos at pag-uugali ng kanilang mga anak pagdating sa pag-aaral.

3. Mga pumapasok sa trabaho na madaling araw nagigising para bumyahe sa napakahabang oras, maaaring ipinanalangin nila ito, oo nga naman, madaling araw aalis ng bahay, halos gabing gabi na kung umuwi, wala nang oras sa mga anak at asawa, mas gugustuhin na lang matulog para makabawi at kinabukasan ay papasok na naman ng madaling araw, noong nagka Covid ang mga pinalad na mag Work From Home, kasama na nila ang pamilya habang nag tatrabaho, minsan ang iba percentage lang ang sweldo para lang mairaos ng kumpanya ang kanilang operasyon at hindi magtanggal ng tao, pero kung iisipin, kung buo nga ang sweldo at halos nauubos lang sa pamasahe, pagkain sa labas, oras sa pamilya, samantalang kung percentage ang sweldo eh halos parehas lang din naman, kasama mo pa ang pamilya mo, sa pananghalian, hindi ka pa gumastos sa pagkain sa labas, magbaon ka man, may taga hugas ka na sa bahay.

4. Iyong parehas mag-asawang nag tatrabaho tapos si misis eh mas ginagabing umuwi kesa kay mister, dahil sa pagod mas inuuna ang reklamo sa social media kesa asikasuhin ang anak, kanlungin at kumustahin ang nangyari maghapon habang wala silang mga magulang nya, mabuti na lang nagka Covid, stay at home na sila at may tiktok pa hahaha.

Minsan talaga akala natin hindi tayo dinidinig ng Diyos sa ating mga panalangin, masyado tayong mainipin, but always remember that God is in Control and has His own time frame.
Re: time frame? here's a sample from a simple minds' point of view
today in Philippines is October 30, 2021 CE* but today in Thailand is 30 October 2564 BE**
*CE Common Era or AD (Anno Domini)
**BE Buddhist Era

Bawat lugar sa mundo ay may kanya kanyang panahon, oras na sinusunod ayon sa kalikasan na ang Diyos din ang gumawa, kaya ngayon sa panahong may pinagdadaanan ka, sana maisip mo na sa kinauupuan mo ngayon, may mga lugar sa buong mundo na may ibat ibang oras at panahon. Ngunit halos walang taong nakapaghinto ng bawat panahon at oras kundi ang Covid-19, ang panahon ng pandemya. May isang pagkakataon na halos lahat ng tao sa buong mundo ay nasa loob ng kanilang mga tahanan. Kaya kung nakaabot ka hanggang dito sa dulo ng pagbabasa. Salamat sa iyong panahon!


Salamat Covid-19 part 2
(not so serious but maybe corni little little funny)

1. Iyong galit na galit ka sa neighbor mong chizmosa tapos nagka Covid, panay tanggap nya ng ayuda, ikaw naman sa Online Selling umarangkada, nagulat ka na lang sa daming order ni neighbor naging mag Best Friend na kayo sa chika.

2. Iyong galit na galit ka sa neighbor mong chizmosang manikurista, nung nagka Covid, humaba mga kuko mo sa lockdown pati buhok mo pumuti na, lapit ka kay neighbor, manicure pedicure, kulay, may kasama pang derma. Instant Best Friend daw ang tema.

3. Iyong galit na galit ka sa aso ni neighbor na kahol ng kahol, pero nung nagka Covid, naawa ka sa aso nya pati butong may laman pa, bigay todo talaga.

4. Iyong galit na galit ka sa neighbor mong tuwing umaga eh nagdidilig ng halaman nya kasi pati harapan ng bahay mo eh nababasa, nung nagka Covid kahit wala ka namang "Green Thumb" nag halaman ka na rin para masabing "In ka sa Pandemya" hahaha kaya kahit ung halamang hindi naman kailangan diligan tuwing umaga dinidiligan mo na rin diba?

5. Iyong galit na galit ka kay neighbor na panay post sa social media ng kanyang mga escapades at drama, pero nung nagka Covid ung galit mo sa kanya, napalitan ng awa. You've turned your hate into praying for her, na sana malampasan nya ang kanyang pinagdadaanan na ikaw ang mas nakakaalam kesa sa mga post nya sa social media. That's good! Be Kind.

Lesson learned sa Covid-19 pandemic. Learn to love your neighbor. Sa panahon ng pandemya at malayo ang iyong mga kamag-anak, ang iyong kapitbahay ang nandyan na maaari kang tulungan o nangangailangan ng tulong mo.
Be Kind! Stay Safe!
Sanaysay tungkol sa covid-19