Magkayakap sa Tag - ulan

Hayaan mong ikaw'y hagkan at yakapin sa tag-ulan,
Damhin mo, anong sarap kapag ako'y iyong kayakap;
Ipikit ang iyong mga mata hayaang maglakbay ang 'yong diwa,
Ang pag-ibig ko at pagsinta ginhawa ang 'yong madarama.

Habang ulan ay pumapatak kasabay nitong halimuyak,
Sa higpit ng aking yakap init ang iyong malalasap;
Samahan mo ako sa buong magdamag,
Na magkayakap sa tag-ulan.

Magkayakap sa Tag-ulan