Dula Daluyan

Ang buod ng dulang inyong matutunghayan ay naisali sa Dula Daluyan nuong 1989 sa Dulaang Raha Sulayman, Fort Santiago, Intramuros Manila. Kami (MHS Batch '91) sa pangunguna ni Ms. Rizalina Cusi (MAPeH Teacher) ay gumanap bilang mga tauhan sa dulang "Isang Araw sa Buhay ni Pedro".

Ako at ang aking matalik na kaibigang Jojo Impimo ang gumawa ng script at sa tulong ni Direk Soxie Topacio, ito ay naging makabuluhan at pinagmulan ng inspirasyon upang magsikap kaming mag-aral.

Mga Tauhan:
Pedro — batang lansangan na nabubuhay sa pagpapalimos
Juan — kasama ni Pedro na namamalimos
Kiko — pulis na kasangkot sa sindikato
Chard — lider ng sindikato
Mannix — kasama sa sindikato
Inay — ina ni Pedro
Madam — manghuhula sa Quiapo
at iba pang mga kasama (MHS Batch '91)


Buod:

Si Pedro at Juan ay mga batang lansangan na pilit na pinagmamalimos ng sindikato sa pamumuno ni Chard sa mataong lugar ng Quiapo, napagkasunduan nilang tumakas sa sindikato at humingi ng tulong sa pulis ngunit nabigo sila dahil dinala sila ng pulis sa lugar na pinagkukulungan ng iba pang batang lansangan na bihag ng mga sindikato.

Sa kahabaan ng gabi at sa kanyang pag-iisa, narining ni Pedro ang tinig ng kanyang namatay na Ina. Humagulgol siya ng iyak na sana ay naroon ang kanyang ina, at sana ay makaalis na siya sa sindikato.

Inay, gusto ko pong mag-aral, gusto ko pong magkaroon ng kinabukasan!
…isang dulang nagmulat sa aming magkakaklase na magsikap mag-aral at hindi lumaki sa lansangan…

Ang Mga Gumanap:
Pedro — Jesus Sibug — CPA at Pastor
Juan — Jonathan ImpimoCroma Medic Inc. District Manager
Kiko — Francis Morilao — Manunula(t)
Chard — Richard AbenirSkyes Asia Inc. Technical Support Professional
Mannix — Mannix Afable — Doctor of Medicine, San Diego CA
Inay - Amor Benavidez — MHS '91 Valedictorian — Senior Pastor
Boses ni Inay - Patricia Ismael — GMA Artist (Yaman ni Lola)
Madam — Macky QuidatoAventis Sanofi District Director
Guen de Guzman — Registered Nurse
Ronald ViloriaPfizer Inc. Country Manager
Noel Castillo — Gulf Design Concept — Architect — Doha Qatar

…naging daluyan ng pagkaunawa ang aming naging dula at ito ang nagmulat sa amin upang magsikap mag aral…
nawa'y maging daluyan ka rin ng pagpapala para sa mga nais magsikap mag-aral…