Sa Ating Anibersaryo

Parang kailan lang nang una kitang masilayan,
Mata ko'y kumikinang sa nakita kong kariktan.
Pagkakataon ay sinunggaban, pag-ibig mo ay inasam;
Hangarin ko'y hindi nasayang, matamis mong OO'y nakamtam.

Parang kailan lang, ilang taon na pala ang nagdaan,
Pag-ibig mo'y aking naging kalakasan sa mga pagsubok na ating pinagdaanan;
Hayaan mong malaman mo sa tulang alay sa iyo,
Kung gaano kalaki ang pagmamahal ko na pinatibay ng tunay na pag ibig mo.

Minsan pa nating balikan matatamis nating kwentuhan,
Mga nakakakiliting bulungan na mauuwi sa lambingan;
Nais kong malaman mo ngayong araw ng ating ANIBERSARYO,
Ikaw pa rin ang INIIBIG ko, ang tanging laman ng aking puso.

Ang pangakong aking nasambit, nang tayo'y mag isang dibdib,
Muli't muli'y igigiit… IIBIGIN kita hanggang LANGIT.