Sa Iyong Pag-iisa

Sa iyong pag-iisa…
aninag sa iyong mga mata,
kalungkutang bumabalot sa salita
kitang kita sa butil ng luha.

Sa panahong ika'y nag-iisa,
Pawiin ang lungkot sa iyong pagbasa;
Ng aking mga nakatagong tula
Na sa iyo'y lubos na magpapasaya.

Maiibsan ang pagpatak ng luha
Ngiti'y maaaninag sa iyong mukha,
Tulad ng sikat ng araw sa umaga
Ganda nito'y walang kagaya.

Hindi man tayo tuluyang magkita
Malayo ka't nasa ibang bansa,
Damhin mo ang aking pagkalinga
Pag-aalalang tulad ng isang ina.

Sa iyong pag-iisa, tulang ito'y ginawa
Upang sa sandaling iyong mabasa,
Ngiti sa iyong labi'y magkaroon ng bunga
Na mananatili hanggang sa iyong pagtanda.

Matapos man itong aking tula
Huwag kang malulungkot sana,
Dahil kapiling mo ako sa tuwi-tuwina
Laman ng isip mo itong aking katha.

Na minsan na mayroon kang nakilala
Na nag-alay sa iyo ng isang munting tula

Simpleng tula sa iyong pag-iisa.