Blog
One fine day, after that memorable earthquake, left my Alma Mater (Manila High School) to a bit halt, as time goes by, moving on with our lives, continue attending classes, my beloved teacher told me to accompany her at PNB Escolta where, at that time, teachers received their pay through checks and be able to encash on that particular branch, probably around August, September 1990, Earthquake was July 16, 1990.So I am excited to come, since I am that very close to her, because you know I am that charming student lol😜, that was my first time and a memorable one, It took us some time to finish the encashment since most of manila teachers took their time to encash theirs, afterwards we took snacks 🍟🍔 at Jollibee, just walking distance from the bank, facing the then terminal of 🚍 Love Bus bound to Ali Mall at Cubao, later we walked along to the streets of Escolta arriving at the side of ⛪ Santa Cruz Church (Our Lady of the Pillar Parish Church) then took the jeepney bound to intramuros going back to Manila High School. Sa iba normal lang pero sa akin iba, iba kapag kasama mo ang iyong guro habang naglalakad, iba dating syempre, nga pala, kaya kami naging close ni ma'am, minsan kapag vacant, doon ako tambay sa practical arts room, lagi naming bonding? ♟️CHESS, at syempre laging 3, 3 ang score namin, syempre titser ko, kaya dapat bigyan lagi ng panalo pero hindi halata, minsan sa tagal ng laro, nilalaban ko nang DRAW, kahit alam nyang talo sya 😅, at ang isang hindi malilimutan sa kanyang laging inuutos, mahuhulaan nyo kaya? Clue: kukunin nya ang sampung pisong papel, tutupiin, lalabas ang "blika ng Pilip" oo, 🚬yosi gurl si ma'am pero hindi nawala ang respeto namin sa kanya dahil hindi namin sya nakitang nagsisigarilyo sa harap namin, hays, naalala ko lang si ma'am, taas kaya ng grade ko sa freehand drawing ko ng 🐱 Garfield, noong 2010 na bumisita ako sa MHS, pagbakasyon ko galing Qatar at class reunion namin, nakita ko, naka display pa sa kwarto ang aking humble "Garfield", touch ako beh, nga pala 'yung pinakamagaling na istudyante nya noon sa klase, kilalang arkitek sa Qatar, syempre hindi ako 'yun, pero dahil sa husay magturo ni ma'am ay naengganyo din akong mag arkitekto at nag-aral sa PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) salamat ma'am sa mataas na grade! ayun scholar, hoist matic un, kapag "Manila" high school student ka, matic scholar ka sa PLM only if kung papasa ka sa Entrance Exam, naku, high standard ang level ng education noon, duguan mag-aral noon, talagang literal na magsusunog ka ng kilay, pero worth it. High School Life, daming kwento, daming alaala, kulang ang isang upuang kwento... minsan kailangan sariwain ang masayang alaala, kahit na minsan magdudulot ito ng kalungkutan, pero tuloy lang ang buhay, sa susunod muli!