Quirino Hostage - Biktima

Isang pulis na nakasuhan ng Drug-Related offenses ay nang hostage ng Tourist Bus sa Manila.

Napag alaman ng mga awtoridad na itong si Senior Inspector Rolando Mendoza ay nang hostage ng Tourist Bus na pawang mga Chinese National ang nakasakay, sa kanyang nais na maihayag ang saloobin tungkol sa kanyang nakabinbin na kaso. Tumutok lang po dito sa nangungunang estasyon ng pagbabalita para sa mga susunod na kaganapan. Ito po ang inyong lingkod Kiko nag-uulat.


Praktis lang po kung mapurol na ang angkin kong talento sa pag-uulat ng balita, naalala ko nuong bata pa ako, ako ang taga-hatid ng balita sa mga pinsan ko kapag magkakaroon ng pagsasalo-salo, natutuwa sila sa akin kasi binibigyan ko ng kulay ang pagbigkas ng bawat nilalaman ng balita. Isang pinsan ko ang tumapik sa akin at sinabing, kiko nabiktima ka na naman 'no? Hindi mo ba alam na ginagamit ka lang nila, ang talento mo, pero hindi mo namamalayang inaabuso ka na pala, wala ka namang nahihita diba?

Mabalik po tayo sa inulat ko kanina, isa lang po iyan sa mga tambak tambak na kaso na natuklasan ko sa talaan ng mga kaso (Drug Related offenses) sa hustisya sa Pilipinas habang ako ay nasa unang taon ng pag-aaral ng abogasya sa Pamantasan ng Ateneo. Ang hindi maalis sa aking isipan, bakit madaming ganitong klase ng kaso ang nawawalan ng saysay, hindi agad nabibigyan ng aksyon, natatabunan, lalung-lalo na kung walang abugado na nag aasikaso. Hindi agad magkaroon ng hustisya. Naaalala ko pa noong nag-aaral ako, palagi na lang akong nakikipagtalo sa aking guro tungkol sa maling sistema ng pagpapatupad ng batas ng may kapangyarihan, sagot sa akin, sila kasi ang may kapangyarihan kaya sila ang batas.

Ang pananaw ko kasi dito, kaya ginawa ang batas para ilabas o iharap sa madla ang kasalanan. Hanggat walang batas para dito walang lumalabag sa batas. Kung pagbabasihan natin ang Sampung Utos ng Bibliya, naunang sinabi ang utos na kung saan ang lumabag sa utos, may kasalanan, ganun lang 'yon, ang kabutihan dito pagdating ni Jesus pinagaan Niya ang utos at ginawang dalawa na lamang, samantalang sa batas ng tao habang papatanda ang henerasyon padami ng padami ang batas, sa sistema ng hustisya sa pangkalahatan, hanggat walang batas para dito, walang nagkasala, ang nakakatawa lang, kapag ang isang taong nabigyan ng kapangyarihan na walang alam sa batas at sa pagpapatupad nito, naibabase niya ang kanyang desisyon ayon sa kanyang pananaw at hindi mismo sa kung ano ang batas, kung ano ang hustisya.

Ano ba ang hustisya? Ano ang intensyon ng hustisya?


Ang hustisya ay para makita na ang may kasalanan ay mapatunayang nagkasala at ang inosente ay mapawalang sala at makalaya, payak lang 'diba? o hindi ganoon ka payak? ngunit kung titignan natin ang simbolo ng hustisya na isang babae na may piring ang mata at mayroong timbangan na naglalayong magkaroon ng Depensa at Prosikyusyon na ang tungkulin ng Depensa ay para protekhatan ang karapatang pantao ng isang nilalang at ang tungkulin ng Prosikyusyon ay para manindigan sa mga batas, tanging mga batas lamang.
Hustisya para sa lahat!

katarungan
Ang problema nga lang. Ang bawat panig ay gustong manalo, gustong manalo kahit na maisang tabi ang katotohanan, maisang tabi ang hustisya, gustong manalo syempre kasi inosente, gustong manalo kahit na may kasalanan.

Ang pagka-panalo ay kinakailangan ng bawat panig.
Ito ang isang lohika ng katotohanan ayon sa hustisya...Kung ang nagsasampa ng reklamo ay nagsasabi ng totoo sa tulong ng Prosikyusyon nangangahulugan na ang inirereklamo ay nagsisinungaling, tama ba? o ang sinasabing may kasalanan ay nagsasabi ng totoo na wala siyang kasalanan sa tulong ng Depensa eh 'di nangangahulugang nagsisinungaling ang nagsasampa ng reklamo o kaya wala siyang matibay na ibidensya o wala siya sa posisyon para sa pagpapatupad ng batas o kaya naman walang batas para dito.

Ang sustansya ng hustisya na dapat bigyan ng pansin ay ang motibo. Ano ba ang motibo kung bakit nagawa ang kasalanan o isang pagkakamali? Ano ba ang motibo kung bakit mayroong reklamo? Para ba ito sa kaparusahan ng may kasalanan? o para sa pagbabago o pagdaragdag ng batas o para masabing may nagpapatupad ng batas o para masabing may nagbabantay sa pinapatupad na batas? Maski man ako ay nahihiwagaan sa lalim ng hustisya. Sa kahulihulihan ang kaawa awa ay ang biktima ng hustisya.

BIKTIMA
Pasensya ka na at nabiktima kita
Sa haba ng kwento ko, nagtapos lang sa tula;
Isip isipin mo kung ano ang hustisya
Nagkamali ang isa, ang isa nama'y biktima.
Ganyan siguro, ang buhay talaga
Kung pagninilaynilayin mo, kung ano ang hustisya;
Napawalang sala kahit nakapatay na
Samantalang naisang tabi kung sino ang biktima.

Ronald Mallari
Ako ay isang mandirigma
Ang hawak ko ay pluma
Panulat ang aking sandata
Ako man ay isang biktima
Ng mapagpalalong sistema
Pero taglay kong anunsyo
Akin pa ring inilalako
Kung sino man ang magkagusto
Ika'y magiging kaibigan ko.

Kiko
Biktima ka rin ba ng maling sistema
Na hinaluan pa ng pamumulitika,
Nagkamali ka, humingi ka ng pasenya
Kasi kung hindi uunahan na kita.
O ikaw ang nangbibiktima
Sa mga mali mong panukala,
Sabi mo'y Pinoy ka, isa ka palang tuta
Napag-alaman ko, dugo mo pala ay pana.
Ako'y iyong pakinggan
Sa aking kahilingan,
Huwag mo akong sigawan
Bagkus paliwanagan;
Kung ano ang patutunguhan
Nitong ating samahan.

Ronald Mallari
Sa tagal kong pananabik
Sa mga makabuluhang titik
Salamat at muling nakatalik
Mga kaibigang matalik
Ka kiko nawa'y maliwanagan
mga isip na natatabingan
ng makasariling kapag-nasaan
hustisya sana ay iyong masumpungan

Omar dela Cruz
"Ako ay isang mandirigma
Ang hawak ko ay pluma -Ronald
Sa tagal kong pananabik
Sa mga makabuluhang titik
Salamat at muling nakatalik
Mga kaibigang matalik -Ronald

(Pero kapag pinalitan mo ng "ak" yung "ik" ganito ang lalabas)
Sa tagal kong pananabak
Sa mga makabuluhang titak
Salamat at muling nakatalak
Mga kaibigang matalak

Eto ang lumabas na kahulugan:
Si spike ay isang mandirigma na ang gamit ay pluma
Sya'y matagal ng nanabak sa pamamagitan ng kanyang akda
Syay nawala at ngayoy muling nakikipagtalakan
sa kaibigan nyang nakikipagsigawan

Nix Mandanas
Nang dahil kay kiko
Ako'y naki-uso
Balagtasan sa nayon
Umabot sa lupon
Sa anghel na pinuno
Tugon ko ay pasado
Iyong unang pagsubok
Sa balagtasan ay pasok

Sa gitna ng kaguluhan
Patudsada't sindakan
Biktima'y di lamang
Dahilan sa nanlamang
Sariling pagtanggap
Sa puna ay hirap
Maging ang abang lingkod
Ay hindi tatalikod

Biktima na lang ba
Ang papel kong kaya?
Subukan naman natin
Maging tayo'y bida
Pagkaka-isa sana
Itaguyod ng masa
Kontrabida man sya
Pa-shot-in mo ng ginebra!
mark logan!!! abs..... cbn!!!

Kiko
Salamat po sa inyong mga puna,
Sa aking akdang pagkahaba haba;
Sino ba talaga ang tunay na biktima?
Sa mata ng tao, sa mata ng madla.

Kung ating babalikan, simbolo ng hustisya,
Tunay na nakapiring kanyang mga mata;
Para manaig katarungang alay nya,
Dito sa mundong puno ng pulitika.

Sa aking opinyon, hindi na mahalaga
Kung sino talaga, itong nabiktima.
Sa ating hustisya ang pinakamahalaga,
Ay maging patas ka, sa nakararami, hindi sa iisa;
Upang maiwasan ang masamang impluwensya,
At lakas ng maduming pulitika.

Biktima man ay may sala,
Kahit ang may sala ay pinalaya;
Huwag nating kalimutang nakatingin SIYA,
Sa ating mga gawa, mali man ito o tama
Sapagkat pagdating na tayo ay patay na
May naghihintay, na makapangyarihang hustisya.
THE DEFENSE RESTS YOUR HONOR.