Kahit Na Iwanan

Ang maiksing pinagsamahan hinding hindi malilimutan,
Sapagkat para sa akin isa kang tunay na kaibigan;
Nakilala sa kantahan noong paskong nagdaan,
Inumaga sa kwentuhan hanggang magtabi sa higaan.

Sa FACEBOOK muling nabuksan kaibigang muntik makalimutan,
Bihasa pala sa panitikan, MALAYALAM ikaw'y tuturuan;
Anino ng kanyang hinaharap, sinlaki ng iyong pinapangarap,
Mapagpakumbabang pangungusap, sa tining ng kanyang halakhak.

Ano itong aking nabalitaan, ilang araw na lang ang binibilang?
Ang aking itinuturing na kaibigan sa DOHA-Qatar ay magpapaalam;
Isang gabing walang tulugan, hanggang sa araw ay sikatan,
Walang katapusang kwentuhan at kantahan 'yan si Ber ang kaibigang maaasahan.

Kahit na iwanan kaming mga kaibigan,
Sa diwa'y nakatatak itong magandang samahan.