Sa Aking Muling Paggising

Gusto ko rin sanang huwag nang magising sa aking panaginip, ngunit lahat naman ng panaginip ay may katapusan.

Nanaginip ako na nasa malayo kang lugar,
At mayroon kang kayakap na mahigpit;

Kahit na alam kong isa lang itong panaginip,
Ganoon na lang ang takot at kaba ng dibdib.

Dahil minsan ang panaginip ay nagkakatotoo,
At ikalulungkot ko ito;

Ngunit mananatili akong nagmamahal sa iyo,
Sisisihin ko ang sarili ko.

Dahil ikaw ang buhay ko,
Ikaw ang mundo ko kaya't mas mamahalin kita kaysa sa pagseselos ko.

Hayaan mong mahalin kita nang masaya ako,
Dahil ang pusong ito'y nais lang na ibigin ka.

Gusto ko lang na malaman mo,
Maghihintay ako hanggang sa magunaw ang mundo;

Hanggang sa dumating ang panahong,
Ikaw na lang at ako...