Suwail na Anak sa Araw ng mga Ina


The beauty of existence is not merely about happiness but the bitterness and the sorrow, the sweetness and the spice of life created to maintain the balance. - FranCis MoRilao

Bakit may mga bulag, pilay, putol ang paa, walang mga kamay na ipinapanganak?

Upang maunawaan ng tao na Makapangyarihan ang Diyos, na hanggang sa kasalukuyan ay hindi kayang pantayan ng Siyensya ang sekreto ng buhay na ibinigay ng Diyos sa bawat nilalang.

Kaya naman mayroong "Mabait" at "Suwail" na anak, at upang maunawaan natin ang buhay, hindi parating dapat nating pakinggan ang "Mabait" na anak, minsan kailangan din nating mapakinggan ang hinaing ng Suwail na anak.

Ginawa ko ang video na ito isang taon na ang nakakaraan sa layuning abutin ang bawat puso ng sinasabi, hinuhusgahan nating "Suwail" na anak, upang mabigyan siya ng hustisya. Sa kalayaan kong gumawa ng tula ay sinikap kong ilagay ang aking sarili sa kanyang panyapak.

Kung ikaw man ay magalit sa akin matapos mong mapanood ang video, patawad.

Mabuti Ka Aking Ina | Tula - May 4, 2011



Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina, hindi lahat ay masaya, hindi lahat ay naging maligaya, sana sa paraang ito ay naabot ko sila, silang mga hindi naging maligaya sa piling ng kanilang Ina. Silang mga tinatawag na pasaway. Silang tao ring nilalang ng Diyos, na naghahanap din ng pagtingin, pang-unawa ng isang magulang, ng isang ina.

© May 2012 www.kwentonikiko

Go Daddy Deal of the Week: Get 20% off WordPress® Hosting! Offer expires 5/8/12